Lola tiklo sa buy-bust

By Tony Sandoval

LUCENA CITY, Ouezon, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng 64-anyos na lola matapos itong arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa aktong drug trade kamakalawa ng gabi sa Purok San Francisco, Barangay Ibabang Dupay sa Lucena City, Quezon. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Lorna “Tita”  Manlogon ng nasabing barangay. Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Art Brual Jr., hepe ng pulisya, inilatag ng mga tauhan ng Quezon Provincial Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni P/Supt. Marlowe Torina ang anti-drug operation laban sa suspek. Hindi na nakapalag ang suspek makaraang maaktuhan sa bentahan ng droga sa kanyang pinagkukutaan. Nakumpiska sa suspek ang apat na plastic sachet na shabu at P500 marked money.Itinanggi naman ng suspek na nagtutulak siya ng droga at iginiit na may nagagalit lamang sa kanyang mga kapitbahay.

comments powered by Disqus

mofuse.com