Rape suspect bulagta sa shootout

By Rhoderick Beñez

NORTH COTABATO, Philippines — Nasawi noon din ang isang rape suspect nang manlaban ito sa mga otoridad sa ikinasang law enforcement operation sa Sitio Mariga Lupa, Barangay GT Biruar sa bayan ng Parang, Maguindanao. 

Ayon kay Supt. Ibrahim Jambiran, hepe ng Parang PNP nagsasagawa ng checkpoint ang PNP sa nasabing barangay dakong alas-10:00 ng umaga kahapon nang dumaan ang suspek na naka-bonnet at tumangging sumailalim sa checkpoint.

Sa halip, ay bumunot ito ng kanyang armas at nagpaputok sa mga pulisya na dahilan para gumanti rin ng putok ang mga pulisya.

Dahil sa nasabing shootout, napatay ang suspek na sa huli ay kinilalang si Polak Maximo Alcantara. Ang suspek ay itinuro ng isang rape survivor na responsable sa panggagahasa sa ‘di kinilalang biktima.

comments powered by Disqus

mofuse.com