Kinalasan ng ka-live-in, nagbigti

By Jorge Hallare

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —   Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 20-anyos na lalaki na sinasabing kinalasan ng kanyang ka-live-in matapos itong magbigti sa kubo sa Barangay San Sebastian, bayan ng Lagonoy, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Patay nang matagpuan habang nakabitin sa kisame ng kanilang kubo katabi ng bahay ang biktimang si John Paul Raselis. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-9 ng umaga nang matagpuan ng kanyang mga kaanak ang biktima na nakabitin. Ayon sa mga kaanak, nakaranas ng matinding depresyon si Raselis simula ng iwanan ng kinakasamang si Angelica Villorente na umuwi sa Pangasinan. Ilang ulit umanong nakiusap ang biktima na bumalik na si Angelica na hindi nito pinagbigyan.

comments powered by Disqus

mofuse.com