60-anyos lolo, pinabulagta

By Raymund Catindig

TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Napatay ang 60-anyos na lolo makaraang ratratin ng gunmen na lulan ng SUV sa gate ng kanyang bahay sa Barangay Mabutal sa bayan ng Ballesteros, Cagayan noong Sabado. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt Warren Tolito, Cagayan police director, sa halip na balikbayan box na mula sa anak na nasa abroad ang hinihintay ng biktimang si Pepito “Peping” Uclos Tamayo ay mga bala ng baril mula sa sakay ng puting Toyota Innova ang sumalubong sa biktima. Base sa police report, niratrat at napatay ang matanda sa harapan ng kanilang gate na pinaniwalaang pinag-initan ng gunmen ang biktima nang hindi makita ang mga kaanak nitong sina Chairman Edmundo Uclos at utol na si Arnulfo Uclos na kapwa wanted sa kasong droga. Ayon sa ulat, wala sa drug watchlist ang napatay na matanda.


comments powered by Disqus

mofuse.com