2 obrero patay sa landslide

By Joy Cantos

MANILA, Philippines — Nalibing nang buhay ang dalawang obrero makaraang gumuho ang lupa sa construction site sa elementary school sa bayan ng Lavezares, Northern Samar noong Miyerkules ng hapon. Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina Joneel Nabor at Elmer Abayon, mga residente ng Barangay Kalabog, bayan ng Victoria. Bandang alas – 2 ng hapon nang magka-landslide sa construction site sa Libas Elementary School. Ayon sa imbestigasyon, abala sa pagtratrabaho sa construction site ang dalawa  nang bigla na lamang  maguhuan ng lupa mula sa bundok. Samantala, narekober naman ang nababalutan ng putik na bangkay ng mga biktima makalipas ang ilang oras makaraang rumesponde ang search and rescue team.

comments powered by Disqus

mofuse.com