Mister sinuwag ng motor, patay

By Christina Timbang

Cavite, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 55-anyos na mister matapos siyang suwagin ng isang motorsiklo habang tumatawid sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Brgy. San Agustin 1, Dasamariñas ng lalawigang ito.

Dead-on-arrival ang biktimang kinalalang si Amado Casarino, residente ng Blk 5, Lt 82, Brgy. H2 Phase 1, Dasmariñas City. Arestado naman ang suspek na nakilalang si Timothy Galvan,19-anyos,  at residente ng  9 Lopez Jaena St. Naic, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-5:05 ng hapon, habang papatawid ang biktima sa kahabaan ng Aguinaldo Highway ng nasabing lugar, nang biglang sumulpot at suwagin ito ng rumaragasang kulay pulang Suzuki Swift (AAY 1411 ) na minamaneho ng nasabing rider. 

Sa lakas ng pagkakabundol ay tumilapon pa ng ilang metro ang biktima na naging dahilan upang magtamo ng sugat sa ulo at katawan na siyang ikinasawi nito.

comments powered by Disqus

mofuse.com