Jailbreak: 3 preso utas, 10 nakapuga

By Rhoderick Beñez

NORTH COTABATO, Philippines - Tatlong preso ang napatay habang 10 naman ang nakapuga sa naganap na madu­gong jailbreak sa Jolo Municipal Provincial Jail sa Marina Street, Barangay Walled City sa lalawigan ng Sulu kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga napatay na sina Julbig Alinjani, Budda Basali, at si Gummi Maimbung.

Nagpapatuloy naman ang manhunt operation ng militar, pulisya at iba pang law enforcement agency laban sa sampung inmates na sina Makrim Habbisi, Alsimae Basali, Nasir Maldam, Albin Alibasa, Julhaber Sariol, Benjie Pandoga, Mustafa Sarapuddin, Haber Kasim, BenjaminBaker at si Tano Hadjula.

Ayon kay P/Senior Supt. Mario Buyuccan, Sulu provincial police director, naitala ang jailbreak bandang ala-una y medya ng madaling-araw.

Sa isinagawang hot pursuit operation, napatay ang 3 pugante habang isa naman ang nasugatan sa 13 presong nakapuga.

Nabatid din na aabot sa 24 iba pang preso ang nagtangkang tumakas subalit naharang ang mga ito ng guwardiya.

Nalalagay naman sa balag ng alanganing masibak sa puwesto ang hepe ng nasabing piitan at ang mga jail guard dahil sa kapabayaan.

Sinisilip naman ang anggulong may kinalaman ang grupo ng Abu Sayyaf sa naganap na jailbreak

 

comments powered by Disqus

mofuse.com