Misis kinatay ng akyat-bahay

By Jorge Hallare

image

Nagtamo ng mga taga sa katawan ang misis na si Ira Ergina habang patuloy na ginagamot sa Sorsogon Provincial Hospital ang kanyang mister na si Ryan Ergina, tricycle driver. File

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang misis habang sugatan ang kanyang mister makaraang pagtatagain ng dalawang Akyat-Bahay Gang noong Miyerkules ng gabi sa Sitio Cogon, Barangay Tabi sa bayan ng Gubat, Sorsogon. Nagtamo ng mga taga sa katawan ang misis na si Ira Ergina habang patuloy na ginagamot sa Sorsogon Provincial Hospital ang kanyang mister na si Ryan Ergina, tricycle driver. Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-9 ng gabi, naghahanda na pagtulog ang mag-asawa nang pasukin ng dalawang lalaki saka isinagawa ang pananaga. Dahil sa kaguluhan ay agad sumaklolo ang mga kapitbahay subalit nakatakas ang mga suspek kung saan natagpuang patay si Ira habang sugatang isinugod sa ospital si Ryan.

comments powered by Disqus

mofuse.com