P1.6-M ari-arian nilimas ng akyat-bahay

By Cristina Timbang

CAVITE  , Philippines  —  Tinatayang aabot sa P1.6 milyong halaga ng ari-arian ang naglahong parang bula makaraang madale ng Akyat-Bahay Gang ang 76-anyos na lola sa Barangay San Agustin 2, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Josefina Camanag, biyuda at nakatira sa nabanggit na barangay. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, umalis ng bahay ang biktima bandang alas-11:30 ng umaga. Gayunman, pagkabalik ng matanda bandang alas-2:30 ng hapon ay nagkalat na ang mga gamit sa loob ng kanyang bahay. Sa pagsisiyasat ng pulisya, nakapasok ang mga suspek makaraang wasakin ang window grills ng bahay ng matanda. Kabilang sa natangay ng mga suspek ang dalawang gintong relo na nagkakahalaga ng P.15 milyon, gold necklace at tatlong Louise Vitton leather.

comments powered by Disqus

mofuse.com