11 tulak tiklo sa P2.5-M shabu

By Joy Cantos

image

 Umabot sa 11-katao ang naaresto makaraang makumpiskahan ng P2.5 milyong halaga ng shabu sa magkakahiwalay na anti-drug operation sa Cebu sa loob ng dalawang araw, ayon sa ulat kahapon. Philstar.com/File

MANILA, Philippines -  Umabot sa 11-katao ang naaresto makaraang makumpiskahan ng P2.5 milyong halaga ng shabu sa magkakahiwalay na anti-drug operation sa Cebu sa loob ng dalawang araw, ayon sa ulat kahapon.

Sa police report ng po­lice regional office na naisumite sa Camp Crame,  apat na big time drug pushers ang nasakote sa  Brgy. Poblacion, bayan ng Sabang at Brgy. Maslog sa Danao City.

Kinilala ang mga suspek na sina Gerry Gallon Jr., Velmar Lavador, Robert Angtos, at Jose Quilaton.

Nasamsam mula sa mga suspek ang dalawang malalaking plastik bag ng shabu at 50 maliliit na plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P2.2 milyon. 

Arestado naman sa Lapu-Lapu City sa Cebu dakong alas-2 ng mada­ling araw noong Biyernes, ang anim pang sinasabing tulak at drug users sa Brgy. Bankal na sina Herson Maglinao Jr., Erwin Narciso, Isidrita Baldizanzo,  John Stephen Liston,  Felix Impas Jr., at si Jonas Baraquia,  34.

Samantala, sina Mag­linao at Narciso ay nakumpiskahan ng P 94, 000 halagang shabu at cal. 22 revolver.

Isa namang tinukoy sa pangalang Mario Fabrique, 46, ang nakum­piskahan ng P 271, 000 halaga ng shabu sa anti-drug operation.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang mga suspek na pawang humihimas na ng rehas na bakal.

comments powered by Disqus

mofuse.com