10 COP sa Cagayan at Isabela, sinibak

By Raymund Catindig

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Sampung hepe ng pulisya sa Cagayan at Isabela ang nasibak sa puwesto makaraang makitaan ng kahinaan laban sa kampanya sa Oplan Double Barrel Reloaded sa kani-kanilang teritoryo noong Biyernes.

Itinalaga ni P/Chief Supt. Robert Quenery, Cagayan Valley police director; ang mga bagong hepe na sina P/Senior Insp. Elpidio Zingapan sa bayan ng Piat na pumalit kay P/Senior Insp. Raul Milan; P/Chief Insp. Raymond Asistores sa Tuao na pumalit kay P/Senior Insp. Danilo Abalos.

Pinalitan naman ni P/Senior Insp. Manuel Viloria sa bayan ng Amulung ay si P/Senior Insp. Renante De Gracia; P/Senior Insp. Antonio Palattao sa Pamplona na pumalit kay P/Senior Insp. Joel de Guzman at P/Senior Insp. Joefferson Gannaban sa bayan ng Peñablanca na pumalit kay P/Chief Insp. Aileen Urani.

Sa Isabela naman ay pinalitan ni P/Chief Insp. Richard Babaran si P/Chief Insp. Noel Patalittan sa bayan ng Sta. Maria habang si P/Senior Insp. Arbie Chan ay pumalit kay P/Senior Insp. Fernando Manangan sa ba­yan ng Angadanan.

Maging si P/Senior Insp.  Rommel Consejo ay pumalit kay P/Senior Insp. Vicente Ferior Jr.; P/Senior Insp. Mariano Manalo ay pumalit naman kay P/Senior Insp. Arbie Chan sa bayan ng Palanan; at si P/Senior Insp. Romeo Bermudez ay pumalit kay P/Senior Insp. William Agpalsa sa bayan ng Sto. Tomas.

comments powered by Disqus

mofuse.com