Senglot hulog sa seawall, nalunod

By Jorge Hallare

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay ang isang 41-anyos na lasing na mangingisda matapos mahulog sa dagat habang natutulog sa gilid ng sea wall sa Banao Sea Port sa Brgy.Salvacion, Bacon District, Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Eduardo Segovia Echano, ng Sitio Banao ng nasabIng barangay. Sa police report sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-4:45 ng hapon habang naglalakad si Freddie Echano sa baybayin ng barangay nang makita ang pinsang biktima na hinahampas ng alon habang nakalutang sa dagat at wala nang buhay. Lumalabas na lasing umano ang biktima at nakaugalian na nito na matulog sa sea wall kaya posibleng nahulog hanggang sa malunod.

comments powered by Disqus

mofuse.com