133 Tsino arestado sa online gambling

By Victor Martin, Raymund Catindig

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Umabot sa 133 Tsinoy na sinasabing sangkot sa iligal na operasyon ng online gambling ang dinakip ng mga awtoridad sa magkahiwalay na lugar sa bayan ng San Vicente, Ilocos Sur, kahapon ng umaga.

Base sa police report unang sinalakay ng mga awtoridad ang compound ng negosyanteng si Cherry Forges sa Barangay Bayubay kung saan naaresto ang 26 suspek habang 43 iba pa ang nadakip naman sa compound ni Jack Chan sa nabanggit din na lugar.

Samantala, naaresto naman ang 64 suspek sa isa pang raid na isinagawa ng pulisya sa Barangay Nagtupacan sa nasabing bayan.

Sa kabuuang 133 suspek ay umaabot sa 20 ang babae.

Nasamsam sa mga suspek ang ibat-ibang telepono, routers, cellphones, sim cards, laptop, generators, mga dokumento at iba pang kagamitan na gamit sa pagpapatakbo ng iligal na online gambling sa bansa.

Nakatakdang kasuhan ang mga susperk.

comments powered by Disqus

mofuse.com