NPA bomb expert, sumuko

By Joy Cantos

MANILA, Philippines — Sumuko sa mga awtoridad ang sinasabing bomb expert ng teroristang New People’s Army (NPA) sa bayan ng Mawab, Compostella Valley, ayon sa opisyal kahapon. Kinilala  ang sumuko na si Jomar Madalo “Raffy” Antolin, vice commander ng Milisyang Bayan Cluster Command, Guerilla Front 2 ng NPA Southern Mindanao Regional Committee. Ayon kay Captain Jerry Lamosao, spokesman ng Army’s 10th Infantry Division, si Antolin ay sumuko sa tropa ng Army’s 77th Infantry Battalion may ilang araw na ang nakalipas. Inamin naman ni Antolin na isa siyang bomb expert ng NPA command na sangkot sa sniping, extortion at ambushcades na ginagamitan nila ng landmine.

comments powered by Disqus

mofuse.com