2 utas sa killer bus

By Tony Sandoval

LUCENA CITY, Quezon, Philippines — Patay ang magkaangkas sa motorsiklo makaraang mabangga ng pampasaherong bus sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Domoit sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ay nakilala ang isa sa pamamagitan ng resibong nakuha sa bulsa nito na si Lemuel Abreham habang patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng isa pa. Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-11:40 ng gabi ay patungo sa Metro Manila ang Amihan Bus Line na minamaneho ni Ryan Martinez ng Camarines Sur nang bumulaga sa kanyang harapan ang motorsiklong sinasakyan ng dalawa. Hindi na nagawang umiwas ng bus kaya nasalpok nito ang motorsiklo at nasagasaan pa ang mga biktima.

comments powered by Disqus

mofuse.com