Lolang ex-mayor timbog sa armas

By Raymund Catindig at Joy Cantos

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nasakote ang isang lola na dating alkalde at ang dalawang umano’y bodyguard nito matapos masamsam sa isang raid ng pulisya ang arms cache sa kanyang mansyon sa Brgy. San Roque, Paoay, Ilocos Norte kahapon.  Ayon kay Sr. Insp. Grandeur Tangonan, hepe ng PNP Paoay na dinala nila sa hospital ang arestadong si ex-mayor Dolores Clemente, 60, matapos atakihin ng alta-presyon nang halughugin ng mga awtoridad ang kanyang bahay dakong alas-6:00 ng umaga. 
Nakuha ng mga operatiba ang dalawang M16 armalite rifle, dalawang de-sabog, tig-isang cal.45 at 380 pistol at sari-saring mga bala sa teritoryo ng lola.
  Ayon kay Tangonan, dinala rin nila para sa kaukulang imbestigasyon ang dalawang lala­king sinasabing bodyguard ng matanda na pinaniniwalaang mga hired killers na kinukubkob nito.
 Patuloy na sinisiyasat ng pulisya ang kaso.

comments powered by Disqus

mofuse.com