16 tiklo sa P1.4-M marijuana bricks

By Raymund Catindig

image

Umaabot sa 16-katao kabilang ang isang US at Nigerian national ang nasakote ng pulisya makaraang makumpiskahan ng P1.4 milyong halaga ng  marijuana bricks sa inilatag na checkpoint sa Sitio Todey, Barangay Poblacion sa bayan ng Sabangan, Mt. Province kamakalawa. CC/Chuck Herrera, File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Umaabot sa 16-katao kabilang ang isang US at Nigerian national ang nasakote ng pulisya makaraang makumpiskahan ng P1.4 milyong halaga ng  marijuana bricks sa inilatag na checkpoint sa Sitio Todey, Barangay Poblacion sa bayan ng Sabangan, Mt. Province kamakalawa. 
Ayon kay Cordillera Police Spokesperson P/Chief Insp. Carol Lacuata, spokesperson ng Codillera police, aabot sa 56 marijuana bricks at apat na pinatuyong puno nito ang nasamsam ng mga awtoridad sa loob ng Toyota Grandia (A2 N747) na pag-aari at minamaneho ni Bayani Malang, 54, ng Tondo, Manila.
 Kalaboso ang bagsak ni Malang at ang mga estudyanteng pasahero maliban sa apat na menor-de-edad na nasa kustodiya ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

comments powered by Disqus

mofuse.com