Chairman tiklo sa kasong child abuse

By Raymund Catindig

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Kalaboso ang binagsakan ng 40-anyos na barangay chairman matapos itong arestuhin ng pulisya sa sinasabing kasong panghihipo at paghalik laban sa isang dalagita sa Barangay Elizaga, bayan ng Gattaran, Cagayan kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt Warren Tolito, Cagayan police director, personal na isinilbi ni P/Chief Insp. Harvey Pajarillo, hepe ng Gattaran Police Station ang warrant of arrest laban sa suspek na si Chairman Carlos Badua sa kasong child abuse at acts of lasciviousness. Sa record ng pulisya, sinasabing hindi natiis ng suspek na ibulalas ang kanyang pagnanasa laban sa15-anyos na biktimang itinago sa pangalang Remedios na sinasabing kanyang nilamas at hinalikan noong nakaraang buwan. Inirekomenda naman ni RTC Judge Conrado Tabago ang piyansang P80,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek. 


comments powered by Disqus

mofuse.com