Bigas sapat – Palasyo

By Rudy Andal

image

Ginawa ng Malacañang ang pahayag kasunod ng pagkakaubos umano ng supply ng NFA rice sa mga pamilihan at pagtataas ng presyo nito sa P32 kada kilo mula sa dating P27. KJ Rosales

MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ng Malacañang na walang kakulangan sa supply ng bigas ng National Food Authority pero sapat naman ang suplay ng commercial rice.

Ginawa ng Malacañang ang pahayag kasunod ng pagkakaubos umano ng supply ng NFA rice sa mga pamilihan at pagtataas ng presyo nito sa P32 kada kilo mula sa dating P27.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na sapat ang supply ng commercial rice at iba pang bigas sa merkado kaya walang kakulangan ng bigas sa bansa.

Ayon kay Sec. Roque, kaya bumaba ang NFA rice supply ay dahil tumaas ang presyo ng palay at mababa ang pagbili ng NFA kaya sa commercial dealers nagbebenta ang mga magsasaka.

comments powered by Disqus

mofuse.com