Bangka lumubog: 1 nawawala, 3 nakaligtas

By Jorge Hallare

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kasalukuyang nawawala isang mangingisda habang tatlo sa kanyang kasama ang nakaligtas makaraang lumubog ang kanilang banka na binayo ng naglalakihang alon habang nangingisda sa karagatang ng Barangay Ilawod sa bayan ng Caramoan, Camarines Sur noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang nawawala na si Lito Barwel ng Sitio Pawikan, Brgy. Gata habang nakaligtas naman sina Amador Clores, 54; Ricky Clores, 45; at si Felix Gianan,15.

Sa ulat na nakara­ting sa Camp Simeon Ola, dakong alas-6 ng gabi pumalaot ang apat na mangingisda sakay ng dalawang maliit na bangka nang hampasin nang naglalakihang alon sa gitna ng dagat kaya unti-unting lumubog.

Nagkahiwa-hiwalay ang mga biktima kung saan pinilit ng apat na lumangoy hangang mailigtas ng ilang mangingisda na sina Amador at Ricky sa Honongan Resort sa Brgy.Ilawod

Samantala, natagpuan naman si Felix sa Barangay Paniman subalit si Lito naman ay hindi na natagpuan.

comments powered by Disqus

mofuse.com