Digong most trusted at appreciated sa kabila ng martial law – Pulse

MANILA, Philippines — Si Pangulong Rodrigo Duterte ang may pinakamataas na trust at approval rating sa limang pinakamataas na opisyal ng gobyerno, ayon sa pinakabagong resulta ng Pulse Asia survey.

Nakakuha ng 82 percent at 81 percent na approval at trust rating si Duterte sa kabila ng pagdedeklara ng martial law sa buong Mindanao nitong Mayo.

Ikinatuwa ng Malacañang ang resulta ng survey. "It's pleasant news," wika ni Presidential spokesperson Ernesto Abella.

Isinagawa ang survey noong Hunyo 24 hanggang 29 kung saan 1,200 katao na may edad 18 pataas ang tinanong.

Samantala, nabigyan naman ng approval rating na 61 percent si Bise Presidente Leni Robredo at 62 percent naman si Senate President Koko Pimentel. Bahagyang mababa naman ang kanilang trust ratings sa 60 percent at 58 percent, ayon sa pagkakasunod.

Tuamnggap ng 48 percent at 43 percent na approval at trust rating si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Pinakamababa naman sa limang opisyal ng gobyerno si House Speaker Pantaleon Alvarez na nakakuha lamang 43 percent approval rating at 41 percent trust rating.

Umangat ang kaniya-kaniyang rating ng mga top government official ngunit si Pimentel ay may pinakamalaking iniakyat na +7 percent sa dalawang aspeto. 

comments powered by Disqus

mofuse.com