Digong: Ako ay diktador

By Jacob Molina

image

MANILA, Philippines — Nanggaling na mismo sa bibig ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay isang “diktador” ngunit nanindigan na ito ay para lamang sa ikabubuti ng bansa.

Inamin ni Duterte sa harap ng mga dating komunistang rebelde nitong kamakalawa na walang mangyayari sa bansa kung hindi siya magiging diktador.

“If you say dictator, I will be dictator. Because I will not be a dictator. Nothing will happen to this country if I will be a dictator. That’s true. If I won’t be a dictator with that style now, nothing will happen to our country,” wika ni Duterte.

Naiinsulto din ang pangulo sa turing ng mga aktibista na ang kanyang pamamahala ay isang “US-Duterte regime” kahit na kanya na ring sinabi na ayaw niyang makipag-usap sa mga Amerikano.

“When I said that I would bomb the schools, they said ‘Duterte is a dictator, fascist, this and that, US’ son of a bitch.’ It’s an insult. When did I become a puppet of the Americans?” ani Duterte.

“To be honest, I don’t talk to Americans—those military types, arms and such … I don’t want to talk to them,” dagdag niya.

Ipinahayag din ni Duterte matapos ang kanselasyon ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng mga komunistang grupo nitong nakaraang taon na walang dapat ikatakot ang taumbayan dahil wala sa kanyang plano ang maging diktador.

Binigyang diin niya na kailangan lang ng bagong Saligang Batas na susugpo sa kurapsyon sa bansa.

Nauna pa rito’y nilinaw ni Communications Secretary Martin Andanar na walang balak maging diktador ang pangulo sa pagsusulong ng federalismo.

Inutusan din ni Duterte kamakailan ang mga sundalo na siya ay barilin kung kanyang gagamitin ang pagbalangkas ng bagong Konstitusyon upang manatili sa puwesto.

Nanawagan din siya sa mga Pilipino na wag sumuporta sa kahit anong diktaturya.

Matatandaang iginiit ni Presidential spokesman Harry Roque nitong nakaraang linggo na ang pangulo ay isang tagapagtaguyod ng batas at walang intensyon na manatili nang matagal sa kapangyarihan.

comments powered by Disqus

mofuse.com