1 taon pang martial law sa Mindanao

By Joy Cantos

Inindorso ng PNP at AFP

MANILA, Philippines — Inirekomenda na ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines kay Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa nang isang taon ang pinaiiral na martial law sa buong rehiyon ng Mindanao.

Ayon kay  Interior and Local Government Acting Secretary Catalino Cuy, nais ng PNP na ma­pahaba pa nang isang taon ang pinaiiral na batas militar sa Mindanao  dahil nanatili pa ang banta ng terorismo dito.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na nakasalalay sa rekomendasyon ng PNP at AFP kung palalawigin pa ang umiiral na martial law sa Mindanao na magtatapos na sa Disyembre 31, 2017.

Ang buong rehiyon ng Mindanao ay isinailalim ni Pangulong Duterte sa  60 araw na martial law matapos naman ang pag-atake ng Maute-ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) noong Mayo 23 sa lungsod ng Marawi.  Nagtapos ito noong Hulyo 22 kung saan sa pamamagitan ng botohan sa Kongreso ay napalawig pa ito ng hanggang sa pagtatapos ng taong kasalukuyan.

comments powered by Disqus

mofuse.com