Singil sa kuryente bababa sa 38 cent

By Mer Layson

MANILA, Philippines — Bababa ng 38 sentimo kada kilowatt hour (kwh) ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Disyembre.

Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, ang pagbaba ng singil sa kuryente ay dulot na rin ng paglakas ng piso laban sa dolyar at mas mababang singil sa generation charge. 

Sinabi ni Zaldarriaga na naging maganda rin ang sitwasyon ng power grid noong Oktubre kaya nagkaroon ng reduction sa December bill.

Bunsod nito, ang mga consumers na kumukonsumo ng 200kwh kada buwan ay magkakaroon ng P76 na bawas sa kanilang bayarin habang ang mga naka­kagamit naman ng 300kwh ay mababawasan ng P114 sa kanilang electricity bill.

Ang mga tahanan namang gumagamit ng 400kwh na kuryente ay may bawas-singil na P152 habang ang 500kwh ay may P190 reduction.   

comments powered by Disqus

mofuse.com