5,500 sundalo kailangan ng AFP

By Joy Cantos

MANILA, Philippines — Nangangailangan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng karagdagang 5,500 sundalo para mapagtagumpayan ang kampanya kontra terorismo at iba pang banta sa seguridad sa bansa.

Ayon kay AFP spokesman Col. Edgard Arevalo, sa 15,500 quota ng AFP ay nakapag-recruit na ng 10,000 at 5,500 na lamang ang kailangan para sa iba’t ibang service commands ng tropa ng militar.

Kabilang sa ire-recruit ay 3,500 para sa hukbo ng Philippine Army, 1,000 sa Philippine Navy at 1,000 rin sa Philippine Air Force.

Samantala sa pagtaas ng suweldo ng mga sundalo na kapantay sa PNP, sinabi ni Arevalo na umaasa ang AFP na mapapabilis ang rec­ruitment.

Sa ilalim ng Joint Resolution #1 na pinagtibay ni Pangulong Duterte, ang sundalong may ranggong Private na katumbas ng PO1 sa PNP ay tatanggap ng P29,668. Arevalo.

comments powered by Disqus

mofuse.com