23 NPA terrorists sumuko

By Joy Cantos

MANILA, Philippines - Umaabot sa 23 teroristang New People’s Army (NPA) mula sa kabundukan ng Palimbang, Sultan Kudarat ang sumuko sa batas sa bayan ng Senador Ninoy Aquino, Sultan Kudarat kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Army’s 33rd Infantry Battalion Comman­der Lt. Col. Harold Cabunoc, ang nasabing bilang ng NPA terrorists ay sumuko kina Senator Ninoy Aquino, Mayor Randy Ecija  Jr., P/Chief Inspector Lemuel Clarete, officer in charge ng pulisya at mga opisyal ng barangay sa nasabing munisipalidad sa ginanap na turn-over ceremony sa nasabing bayan kahapon ng umaga.

Ayon kay Cabunoc, ang mga nagsisuko ay bitbit ang kanilang mga armas na garand rifles, M14 rifle, homemade rifle, homemade pistol, cal. 45 pistol, dalawang MK2 fragmentation grenade at smoke grenade.

Sa inisyal na interogasyon, inamin naman ng mga nagsisukong NPA terrorist na pagod na sila sa armadong pakikibaka kaya nagdesisyong magbalik-loob sa pamahalaan.

Patuloy namang sumasailalim sa masusing tactical interrogation ang mga nagsisukong NPA terrorists.

Inaasahan naman, ayon pa sa opisyal na marami pang susukong mga terorista upang landasin na ang pagbabagumbuhay.

comments powered by Disqus

mofuse.com