Army magre-recruit ng 8,000 sundalo

By Joy Cantos

MANILA, Philippines — Upang mapalakas pa ang combat operations laban sa mga teroristang New People’s Army (NPA) at iba pang mga grupong banta sa pambansang seguridad, magre-recruit ang Philippine Army ng karagdagang 8,000 pang mga sundalo.

Ito ang inihayag kahapon ni Army Spokesman Lt. Col. Louie Villanueva kung saan sa kasalukuyan ay nasa 85,000 ang kabuuang puwersa ng kanilang hukbo .

Sinabi ni Villanueva na ang  iri-recruit na karagdagang 8,000 sundalo sa taong ito ay mas mataas sa regular na taunang quota na aabot sa 3, 600  miyembro.

Ipinaliwanag ni Villanueva na ang pagtaas ng quota sa recruitment ay bunga ng pagkatatag  ng karagdagang 10 pang Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army upang mapalakas pa ang kapabilidad ng kanilang hukbo sa pagtugon sa lahat ng grupong mga banta sa pambansang seguridad.

“There may be lots of vocation, occupation, and profession waiting around, but joining the noblest profession, particularly the Army, is something different and worthwhile,” ayon pa sa opisyal.

 Magugunita na nitong nakalipas na taon sa 2017 recruitment quota ng Philippine Army ay aabot sa 350 mga bagong opisyal at nasa 13,000 namang mga bagong enlisted personnels ang sumapi sa hukbong katihan ng bansa.

comments powered by Disqus

mofuse.com