Acosta sa Dengvaxia: Hindi ito drama

image

MANILA, Philippines – Iginiit ni Public Attorney’s Office chief Persida Acosta na totoo ang iniindang sakit ng mga batang naturukan ng kontrobersyal na anti-dengue vaccine.

Pinabulaanan ni Acosta na nagdudulot ang kaniyang opisina ng panic at hysteria sa publiko sa pag-iimbestiga sa mga umano’y nasawi sa Dengvaxia.

"Drama? This is not drama, my God! People are crying in front of the dead children. This is not a drama! Sino ba gumawa ng drama? Sanofi, Dr. [Janette] Garin. Alam niyo na 'yung adverse reaction tapos nag-mass vaccination pa kayo?" wika ng PAO chief sa kaniyang panayam sa ABS-CBN.

BASAHIN: Garin sa pagkuyog sa kaniya ng mga galit na ina: Drama lang

Inireklamo nila si dating Health Secretary Garin, pharmaceutical company Sanofi Pasteur at distributor ng Dengvaxia sa bansa na Zuelig Pharma Corp. dahil sa masamang epekto umano ng bakuna.

Humihingi sila ng P4 milyon danyos para sa pamilya ng 10-taong-gulang na babaeng nasawi matapos umano mabakunahan ng Dengvaxia.

Nauna nang sinabi ng University of the Philippines-Philippine General Hos na tatlo lamang mula sa 14 na namatay matapos bakunahan ng Dengvaxia ang nagkaroon ng dengue.

Bago nito ay sinugod si Garin ng mga galit na ina at sinisisi ang dating kalihim sa pagkamatay ng kanilang mga anak na nabakunahan ng Dengvaxia.

Kalaunan ay umanin ang mga ito na hindi naman namatay ang kanilang mga anak.

Sinabi ni Garin na ginagamit ng ibang sektor ang isyu ng Dengvaxia para sa sariling kapakanan. Pinuna rin niya ang pagdalo ng mga bata sa kilos protesta na nasa loob sana ng paaralan upang mag-aral.

“They were shouting: ‘Bakit mo pinatay yung anak namin? Yung mga pamilya namin, ganito na ang nangyayari.’ One of them pulled my dress; one of them slapped me in the left chest area. It was good my lawyer was there,” wika ni Garin sa hiwalay na panayam sa ABS-CBN.

“They were just making all the drama. I’m sorry to say this. And somebody was saying: Sinabi ng PAO na pumunta kami dito at sugurin ka. So why is all this happening?” dagdag niya.

Nitong Linggo lamang ay nanawagan na ang grupo ng mga medical experts sa PAO na itigil na nag pagsasagawa ng autopsy sa mga umano’y namatay dahil sa Dengvaxia.

“(PAO should) leave the matter of determining the cause of death to competent forensic pathologists,” sabi ni dating health chief Esperanza Cabral.

 

comments powered by Disqus

mofuse.com