Marahas na dispersal ng ASEAN rally, pinaiimbestigahan

By Gemma Garcia

MANILA, Philippines — Paiimbestigahan ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa Kamara ang umano’y marahas na dispersal sa mga raliyista at ang paggamit ng “sonic weapon” ng mga awtoridad sa Maynila noong Lunes.

Sinabi ni Zarate na ang paggamit ng Long Range Accoustic Device (LRAD) o sonic weapon na naglalabas ng malakas at mahabang tunog sa malayo ay maitutu­ring na hindi makatao. Ito ay dahil posibleng magkaroon ng permanenteng  damage sa kalusugan ang nasabing tunog para sa makakarinig nito.

Base umano sa pag-aaral, ang mahigit sa isang minutong  exposure sa 121 decibel na ingay nito ay maaaring magdulot ng pagtunog sa tenga, pananakit ng ulo at vertigo subalit ang LRAD umano ay mayroong 137-140 decibels .

Giit pa ni Zarate, ang pinakamalala umano nito ay hindi kinonsidera ng mga awtoridad ang maaaring damage nito sa mga bystanders at pasyente sa Philippine General Hospital (PGH).

comments powered by Disqus

mofuse.com