Trak natabunan sa landslide: 3 sugatan

By Joy Cantos

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang nasugatan matapos na mahagip ng landslide ang dumaraang truck na kanilang sinasakyan sa highway sa paanan ng matarik na bundok sa  ba­hagi ng Viga, Catan-duanes kahapon ng uma­ga dulot ng tail end of the cold front sa Bicol Region.

 Kinilala ang mga biktima na sina Alvin Oboso, 39; Jesus Olat, 52, at ang driver na si Gerald Tabor; pawang isinugod sa Viga District Hospital upang malapatan ng lunas.

Ayon kay Sr. Inspector Maria Luisa Calubaquib, spokesperson ng Bicol Region Police, nangyari ang insiden­te sa nasabing lugar habang bumabagtas sa lugar ang isang Elf truck (RNJ-213) na minama­neho ni Tabor. Bigla na lamang gumuho ang bundok kung saan nagulungan ng magkahalong putik at bato ang highway kung saan tinamaan ang isang telecommunications cell site at ang truck na sinasakyan ng mga biktima.

Ang Bicol Region, ayon sa opisyal ay naka­karanas ng malalakas  na pag-ulan.

Samantala, nasa 300 pamilya naman ang ini­likas sanhi ng mga pagbaha at landslide sa ilang bahagi ng rehiyon dulot ng masamang lagay ng panahon.

Nabatid na kabilang sa mga binahang lugar ay ang lungsod ng Naga kung saan 70 % dito ang apektado.

comments powered by Disqus

mofuse.com