2 stude tiklo sa pot session sa iskul

By Jorge Hallare

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Arestado ang isang college student at isa pa matapos silang mahuli sa akto habang nagpa-pot session sa loob mismo ng compound ng University of Nueva Caceres sa Brgy. Sta. Cruz sa Naga City, Camarines Sur noong Huwebes ng hapon.

Hindi na nakapalag nang arestuhin ng security guard ng unibersidad ang suspek na kinilalang si Jaypee Rhod Ballesteros, 26 anyos at kasamang si Erwin Dignadice, 20 anyos, vendor ng mga CD sa lugar.

Sa ulat na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-4 ng hapon, nasa roving duty ang guwardyang si John Christopher Aguila nang madaanan nito ang dalawang suspek na humihithit ng marijuana.

Agad hinuli ang dalawa at dinala sa security office kung saan nakuha sa mga suspek ang isang ziplock na may lamang pinatuyong dahon ng marijuana at ilang tube na may residue ng pinaniniwalaang ilegal na droga.

Nasa kamay na ng Naga City Police Office ang dalawa at sinampahan na ng kaso.

 

 

comments powered by Disqus

mofuse.com