DOJ, SC sinugod ng mga raliyista mula Mindanao

By Doris Franche-Borja

MANILA, Philippines — Nagdaos ng kilos-pro­testa ang may 30 raliyista sa harap ng Korte Suprema sa Padre Faura, Maynila upang tutulan ang pinal na pagpapatibay nito sa constitutionality ng idineklarang Martial Law sa Mindanao.

Kasama sa mga nag­lunsad ng rally ang mga miyembro ng Barug Katungod Mindanao at mga internally displaced person sa nasabing rehiyon.

Nagpahayag din ang mga raliyista ng pagtutol sa mungkahing palawigin muli ang Batas Militar sa Mindanao.

Matapos ang maikling protesta sa harap ng Kor­te Suprema, sunod namang kinalampag ng mga militante ang tanggapan ng Department of Justice (DOJ).

Tinuligsa nila ang diumano’y pagiging inutil ng DOJ sa mga nagpapatuloy na pag-atake sa mga komunidad sa Min­danao na ang target ay ang mga indigenous leader, magsasaka, Moro at mga nagtatagayod ng karapatang pantao.

Dagdag pa ng mga raliyista sa halip na bigyan ng katarungan ang mga pinatay na mga aktibista at lumad sa Mindanao, ang kanilang hanay pa umano ang nasasampahan ng kaso.

Anila ay umabot na umano sa 428 kaso ng mga trump-up charges o gawa-gawang reklamo ang naidokumento ng mga human rights group na naihain laban sa mga magsasaka, indigenous leader at Moro sa Mindanao.

comments powered by Disqus

mofuse.com