Pinay kabilang sa patay sa Grenfell Tower fire

By Christian Imperio Si Ligaya Moore na lamang ang Pilipinong pinaghahahanap ng mga awtoridad sa London matapos masunog ang Grenfell Tower.  Facebook/Philippine Embassy in the United Kingdom

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaan ng Embahada ng Pilipinas sa United Kingdom na isa sa mga namatay sa Grenfell Tower sa London ang isang Pinay.

Sa isang pahayag, sinabi nila na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nahahanap si Ligaya Moore matapos ang sunog nitong nakaraang linggo.

“The Embassy has the sad task to announce that despite our diligent search made in coordination with the Metropolitan Police (MetPolice) and the Filipino community in London,” ayon sa isang Facebook post ng Philippine Embassy.

Dahil dito, isinama na ang pangalan ni Moore sa mga namatay.

“Mrs Ligaya Moore has not been found,” pahayag ng embahada.

“She has now been included by the MetPolice as among those presumed to have perished in the Grenfell Tower tragedy. Her next of kin have been informed. Our thoughts go out to her family and loved ones as we hope for the recovery of her mortal remains,” dagdag nila.

Bago nito, kinumpirma ng Embahada na may mga Pilipinong nadamay sa insidente kung saan 58 katao ang namatay.

comments powered by Disqus

mofuse.com