2 drug suspek sugatan sa pamamaril

By Raymund Catindig

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Dalawang drug suspek na sinasabing sumawsaw sa Oplan Tokhang ang nasa kritikal na kalagayan sa naganap na magkahiwalay na pamamaril  sa bayan ng Naguilian at Santiago City, Isabela kamakalawa. 


Sinabi ni P/Senior Insp. Francisco Dayag, hepe ng Naguilian Police na lumalaklak si Dominic Yap, 48, sa harapan ng boarding house ng umano’y kalaguyong GRO sa tabi ng pinapasukang beerhouse nang ratratin ito ng hindi kilalang lalaki.

Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng cal.45 pistol. 


Si Yap na nakaratay sa ospital ay nasa drugs watchlist sa pulisya sa bayan sa San Mariano kung saan ito nakapiyansa sa kasong pamamaril ng utol ng isang konsehal.


Samantala, inoobserbahan naman sa pa­gamutan ang electrician na si Joel Gonzaga na binaril habang natutulog sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Calao East sa Santiago City, Isabela.

Patuloy pa rin sinisiyasat ng pulisya ang naganap na pamamaril.

comments powered by Disqus

mofuse.com