Walang lifestyle check kina Pulong, Mans-DoJ

By Doris Franche- Borja

MANILA, Philippines — Walang lifestyle check kina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Manases Carpio.

Ito ang inihayag kahapon ni Justice Secretary Vita­liano Aguirre ll sa pagsasabing hindi niya bibigyan ng ‘go signal’ ang National Bureau of Investigation (NBI) upang isailalim sa lifestyle check ang nakababatang Duterte at ang bayaw nitong si Atty. Carpio kaugnay ng pagkakadawit umano ng dalawa sa P6.4 bilyong shabu shipment noong Mayo.

Paliwanag ni Aguirre, wala naman siyang natatanggap na pormal na kahilingan mula sa Senado upang i-lifestyle check sina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Manases Carpio .

Aniya, kailangan muna niyang matukoy kung may basehan ang rekomendasyon ng blue ribbon committee na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon bago niya atasan ang NBI na gawin ito.

“I will determine the basis for such order. Besides, the report is only a draft,” anang Kalihim.

Dagdag pa ni Aguirre, malinaw din naman aniyang nakasaad sa draft report ng komite na wala itong nakitang ebidensya na mag-uugnay sa mag-bayaw sa pagkakapuslit sa bansa ng P6.4 bilyong shabu shipment at iba pang iligal na kargamento.

comments powered by Disqus

mofuse.com