7 bata namatay sa Dengvaxia – PAO

By Doris Borja

MANILA, Philippines — Paninindigan ng Public Attorney’s Office (PAO) na namatay ang pitong bata na isinailalim nila sa pagsusuri dahil sa dengue vaccine na Dengvaxia.

Ayon kay PAO chief Atty. Persida Rueda-Acosta, base sa actual, tactical, forensic analysis na isinagawa ni PAO Forensic Laboratory director Dr. Erwin Erfe sa mga biktima, lumalabas na ang pito ay namatay matapos maturukan ng naturang bakuna pero hindi naman nagkasakit ng dengue.

Pinakamasaklap umano ang nangyari sa isang biktima na naturukan ng Dengvaxia dahil matapos lamang ang 11 araw ay namatay na ito.

Aniya, may pattern talaga umano sa pagkamatay ng mga biktima dahil ang pito ay nakaranas ng pagdurugo sa puso, atay, kidney, baga at maging ng utak.

Dagdag ng PAO chief, mayroon ding susunod na confirmatory test sa mga biktima na isasagawa ng ilang grupo na tumutulong sa PAO kasunod ng pagsusuri na ginawa ng grupo ni Erfe para pagtibayin pa ang kanilang findings.

Sinabi rin ni Acosta na mayroon pang mga biktima ang susuriin ng PAO matapos mabakunahan ng Dengvaxia.

comments powered by Disqus

mofuse.com