Dahil sa away mag-asawa, kapitbahay nadamay!

By Rho­derick Beñez

NORTH COTABATO , Philippines — Sugatan ang isang lalaki matapos itong mabaril ng kapibahay na nakikipag-away sa asawa sa Purok Bagong Lipunan, Ba­rangay San Isidro, Korona­dal City, South Cotabato, Huwe­bes ng gabi.

Kinilala ang bikti­ma na si Winsy Dili Arel­lano, 27, isang construction worker habang suspek sa pamamaril si Renan Agsalona Pelaez, 28, vulcanizer at kapwa mga residente ng Purok Bagong Lipunan ng nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon ng Koronadal City PNP, nag-aaway umano sa loob ng kanilang bahay ang suspek at asawa nito ng lumabas ang biktima upang kunin ang mga anak nitong nag­lalaro. Kasabay nito, hinikayat umano ng biktimang si Arellano ang suspek na si Pelaez at asawa nitong kumalma.

Ikinairita ito ni Pe­la­ez kung saan binunot ang nakasukbit nitong baril at binaril si Arellano sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Isinugod ito sa ospital habang tumakas naman ang suspek.

Sa ngayon, nagpa­pa­­tu- loy ang imbesti­gasyon sa  krimen.

comments powered by Disqus

mofuse.com