Leni tumaas ang satisfaction rating

image

MANILA, Philippines - Umangat ng limang puntos ang net satisfaction rating ni Bise Presidente Leni Robredo para sa ikatlong quarter ng taon.

Sa pinakabagong resulta ng Social Weather Stations survey, nakakuha ng “good” na +41 rating si Robredo, mas mataas sa +36 na nakuha niya nitong Hunyo.

Umabot sa 62 percent ng 1,500 na respondents ang nagsabing nasisiyahan sila sa tinatrabaho ni Robredo, habang 21 percent ang hindi at 16 percent ang undecided.

Nakapagtala naman ng +46 rating si Senate President Aquilino "Koko" Pimentel ang pinakamataas niyang nakuha mula nang maupo sa pwesto.

Umakyat ng 13 puntos ang grado ni Pimentel na nito lamang ay naghayag ng kaniyang balak na tumakbong muli sa 2019.

Kung record-high si Pimentel, record-low naman si House Speaker Pantaleon Alvarez na nabawasan ng walong puntos na mayroon na lamang +8 rating.

Bumagsak din naman ang satisfaction rating of Chief Justice Lourdes Sereno na may +9 na lamang ngayon.

Nasa 12 puntos ang nawala kay Sereno na nahaharap sa impeachment.

Isinagawa ang survey nitong Setyembre 23 hanggang 27.

Sa hiwalay na survey ng SWS para kay Pangulong Rodrigo Duterte, lumabas na bumaba ng 18 puntos ang satisfaction rating niya.

Nasa “good” na kategorya na lamang ang kaniyang +48 kumpara sa “very good” na +66 niya noong Hunyo.

Sa kabila nito naniniwala ang Palasyo na mahal pa rin ng mga Pilipino si Duterte.
 

comments powered by Disqus

mofuse.com