Andaya tiwalang maaabsuwelto

By Gemma Garcia

MANILA, Philippines — Tiwala si dating Budget Secretary at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya na mapapawalang-sala siya mula sa ibinabang criminal charges na inihain laban sa kanya ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan kaugnay sa umanoy  P900-million Malampaya Fund scam.

Giit pa ng kongresista na buo ang kanyang paniniwala sa Justice system ng bansa at hilingin na ang kaso ay mag-proceed ng patas at mabilis.

Paliwanag pa ni Andaya na ang kaso ay ibinaba matapos na graft at malversation thru falsification of public funds lang ang ihain ng Ombudsman sa halip na plunder case.
Matatandaan na si Andaya ay kinasuhan dahil sa umanoy pakikipagsabwatan kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay sa paggamit umano ng Malampaya Funds para sa rehabilitasyon ng mga lugar na nasalanta ng bagyong Ondoy.

Subalit ibinasura ng   Ombudsman ang kaso laban kay Arroyo sa kabila ng siya ang nag utos kay Andaya na maglabas ng pondo.

Ang mga respondents ay inakusahan ng illegal na paggamit ng  P900 million mula sa Malampaya funds na inilabas ng DBM sa Department of Agra­rian Reform (DAR) noong 2009 at paggamit din sa 12 NGOs ni Janet Lim Napoles.

comments powered by Disqus

mofuse.com