12 wanted sa batas arestado

BULACAN, Philippines — Dahil sa pinaigting na paghahanap ng pulisya, 12 katao na may kinakaharap na iba’t ibang  kasong kriminal sa korte ang naaresto sa lalawigan. Kasalukuyan ng nakadetine sa iba’t ibang himpilan ng pulisya ang mga nadakip na sina Ruben Mapula 25 at Marie Tuyac 25; kapwa ng Brgy. Poblacion, Norzagaray (may kasong Rape); Lidy Blancaflor, 44, ng Brgy. Sto. Cristo, San Jose Del Monte City (B.P.22); Julito Belano, 50, ng Brgy. Balatong B, Pulilan (Carnapping); Gerardo Villarin 46 ng Brgy. Burol 1st, Balagtas (Estafa); Jonry Beltran, 24, ng Brgy. Bagong Nayon, Baliwag (Recless Imprudence Resulting to Damage to Properties); Marvin Relabo, 26, ng Brgy. Gasak, Meycauayan City (R.A.9165 at R.A. 10591); Aaron Ramirez, 35, ng Brgy.Poblacion, Santa Maria (R.A. 9165); Daniel Gallenero, 35, ng Brgy. Hulo, Meycauayan City (Carnapping); Rolando De Vera 37 ng Brgy. Antipona, Bocaue (R.A. 10591); Alvin Joseph Gabriel, 31, ng Project 8, Quezon City (Rape) at Rogelio Mendoza, 48, ng Brgy. Pritil, Guiguinto (R.A.9262).

Ayon sa ulat nina P/Supt. Ferdinand Germino sa kampo Alejo Santos ng Provincial Mobile Force Company, P/Supt. Froilan Uy at P/Supt. Fitz Macariola, naging matagumpay ang kanilang ikinasang manhunt operations sa mga wanted sa batas sa lalawigan upang kaharapin ang kani-kanilang mga kaso. (Boy Cruz)

comments powered by Disqus

mofuse.com