Roque sa artificial islands ng China sa WPS: Libre naman mangarap

image

MANILA, Philippines — Nagpalawinag si Presidential spokesperson Harry Roque ngayong Biyernes matapos niyang sabihin na darating ang panahon na pasasalamatan natin ang China sa paggwa ng artificial islands sa West Philippine Sea.

"Ang sa akin lang naman po libreng mangarap," Roque said in a press briefing in Camarines Sur.

Inulan ng batikos si Roque dahil sa kaniyang pahayag sa aktibidad ng China sa teritoryo ng Pilipinas.

Isa sa mga pumuna sa tagapagsalita si Sen. Grace Poe na nagsabing "West Philippine Sea will freeze over first" bago pag-isipan man lang ng China na ibalik ang mga inagaw na teritoryo.

Sa kabila nito ay kinilala ni Roque na teritoryo ng Pilipinas ang pinagtayuan ng artificial islands na ginawan ng base ng militar ng China.

"Bakit naman po hindi tayo mangangarap? Ang sabi nasa atin 'yun, meron tayong sovereign rights dun sa EEZ kung saan ginawa ang mga isla na yan so, ergo, kapag nagkaroon ng pagkakataon mapapasaatin 'yang mga islang 'yan," sabi ni Roque.

"Sabihin na lang natin na merong hidwaan, merong hindi pagkakasunduan, may pinag-aawayan pero lahat po 'yan mareresolba naman sa mapayapang pamamaraan," dagdag ng tagapagsalita.

comments powered by Disqus

mofuse.com