4 solon pararangalan ng pamilya ni Gen. Malvar

MANILA, Philippines - Apat na mambabatas ang pararangalan sa Lunes (Enero 15) ng pamilya ng bayaning si Hen. Miguel Malvar sa Aberdeen Court, matapos isulong ang batas para gunitain ang 1899-1902 Philippine-American War.

Ipinasa nila Kong. Karlo Alexei Nograles (1st District Davao City), Antonio Tinio (ACT Teachers Party List), Mohamad Khalid (1st District Lanao del Norte) at France Castro (ACT Teachers) ang batas para ipagdiwang ang Pebrero 4 bawat taon bilang “special holiday.”

Inaprubahan ng Kongreso ang Philippine-American War Memorial Day na gunitain tuwing ika-4 ng Pebrero at ang araw na sumiklab ang giyera sa tropa ng Pinoy at Kano may 118 taon na ang nakalipas.

Ayon kay Atty. Jose Malvar Villegas Jr., apo ni Malvar at pinuno ng Angkan ng mga Bayani at Katipunero ng Digmaang Pilipino-Amerikano 1899, lubos silang nagpapasalamat sa mga mambabatas sa pagbibigay pugay sa mga Pilipinong lumaban at namatay sa pagtatanggol ng bansa laban sa pwersa ng mga Amerikano.

Ang mga kongresista ay mga espesyal ding bisita sa Aberdeen Court, Great Eastern Hotel sa Quezon City bukas (­nero 15).

comments powered by Disqus

mofuse.com