Deployment ban sa Kuwait, tuloy – Palasyo

By Rudy Andal

image

Ayon kay Dep. Exe­cutive Sec. Guevarra sa media briefing sa Palas­yo, isang magandang welcome development sa kaso ni Demafelis ang ulat na hinatulan ng “death by hanging” ang mga amo ni Demafelis na sina Nader Essam Assaf at misis na si Mona Hassoun. Joven Cagande

MANILA, Philippines — Sa kabila ng kumpirmasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na sinentensyahan ng parusang bitay ng Kuwaiti court ang mag-asawang employer ng Pinay na isinilid sa freezer na si Joanna Demafelis, nanindigan kahapon ang Malacañang na mananatili ang deployment ban sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait.

Ayon kay Dep. Exe­cutive Sec. Guevarra sa media briefing sa Palas­yo, isang magandang welcome development sa kaso ni Demafelis ang ulat na hinatulan ng “death by hanging” ang mga amo ni Demafelis na sina Nader Essam Assaf at misis na si Mona Hassoun.

Sa kabila nito, sinabi ni Guevarra na mananatili pa rin ang deployment ban ng mga OFWs sa Kuwait.

“Palace welcomes report that employers of Demafelis were given death sentence. Ban in deployment of OFWs in Kuwait still (on) hold,” pahayag ni Guevarra.

Kaugnay nito, pinuri  ng Department of Fo­reign Affairs (DFA) ang Kuwaiti government dahil sa mabilis na paghatol ng kamatayan sa killers ni Demafelis.

“We take note of the swift action taken by Kuwaiti authorities in connection with the murder of our kababayan Joanna Demafelis. This is a very important development in our quest for justice for Joanna,” ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano.

Nabatid na inabisuhan na ng gobyerno ng Kuwait si Foreign Affairs Usec. for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola sa desisyon ng korte sa kanilang pulong nitong nakaraang Linggo sa Kuwait. Nakakuha na ng kopya ng desisyon ng korte ang Embahada ng Pilipinas.

 Sinabi ni Ambassador to Kuwait Renato Villa na humiling na ng “extradition” ang Kuwait sa Lebanon para kay Assaf pero wala pang katiyakan kung ito ay mapagbibigyan. 

Ayon naman kay Labor Sec. Silvestre Bello III na isang malaking development ang pagpataw ng “death by hanging” sa mag-asawang amo ni Demafelis.

Pi­naghahandaan na ng DOLE ang nakatakdang pirmahan sa memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait sa April 4 bago ang rekomendasyon ng partial lifting sa deployment ban sa Kuwait.

Aniya, ilan sa mga  kon­dis­yon Pilipinas sa Kuwait ay ang hindi pagkumpiska ng employer sa pasaporte ng OFW,  kailangang makatulog ng 7-oras ang OFW, makakain ng sapat at kaila­ngang ma­bigyan ng holiday leaves.

Giit pa ni  Bello, nais niya na magkaroon ng Philippine-crafted employment contract,  kung saan magkakaroon ng guaranteed payment na minimum monthly net pay na  $400 ang mga OFWs na babayaran sa bangko at hindi kukumpiskahin ang kanilang mga mobile phones.  Danilo Garcia at Doris Borja

comments powered by Disqus

mofuse.com