Government official, 3 general sunod na sisibakin ni Digong

By Rudy Andal “I am firing another chairman of an entity in government maybe this week and another set of mga policemen. That’s why I said inuna ko sila,”  sabi ng Pangulo sa kanyang mensahe sa Pagcor event sa Manila Hotel kamakalawa ng gabi. File

MANILA, Philippines — Isa pang mataas na government official ang nakatakdang sibakin sa puwesto ni Pangulong Duterte sa linggong ito.

Sangkot umano ang kanyang tatanggaling opisyal ng pamahalaan sa isyu ng korapsiyon.

“I am firing another chairman of an entity in government maybe this week and another set of mga policemen. That’s why I said inuna ko sila,”  sabi ng Pangulo sa kanyang mensahe sa Pagcor event sa Manila Hotel kamakalawa ng gabi.

Bukod dito posibleng isabay na rin ng Pangulo ang pagsibak sa mga pulis na sangkot din sa iregularidad kabilang dito ang tatlong heneral.

Una nang sinabi ng punong ehekutibo na tatlong police coronel ang iaanunsiyong tatanggalin sa serbisyo at police personnel na aabot sa humigit kumulang 70.

“Alam mo I am not a saint. I have also my faults in life. But corruption is a money has never been really an issue even to myself. I am in the thick of firing people. I intend to fire another maybe 70 or 49 policemen and three generals for corruption,” pahayag pa ng Pangulo.

Kamakailan lamang ay sinibak ng Pangulo sina Marina administrator Marcial Amaro, PCUP chairman Terry Ridon at DBP chair Elba Cruz dahil umano sa mga biyahe abroad ng mga ito.

comments powered by Disqus

mofuse.com