Tax-free bonus at 13th month pay itataas sa P90,000

By Malou Escudero

image

Sa ilalim ng kasalukuyang Republic Act 10653, ang 13th month pay at iba pang benepisyo kabilang ang mga productivity incentives at Christmas bonuses na hindi lalampas sa P82,000 ay exempted sa tax. File

MANILA, Philippines — Nagkasundo ang mga miyembro ng bicameral conference committee sa panukalang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) na itaas ang tax exemption cap sa 13th month pay at iba pang  bonuses sa P90,000.

Sa ilalim ng kasalukuyang Republic Act 10653, ang 13th month pay at iba pang benepisyo kabilang ang mga productivity incentives at Christmas bonuses na hindi lalampas sa P82,000 ay exempted sa tax.

 Matatandaan na bago nalagdaan ang RA 10653 noong 2015, ang bonuses na libre sa tax ay P30,000 lamang

Sa bersiyon ng Senado sa TRAIN, pinanatili ang P82,000 tax-free cap samantalang sa inaprubahang bersiyon ng House of Representatives ito ay ginawang P100,000.

 Sa bicameral conference committee, nagkasundo na gawing P90,000 ang ililibre sa buwis simula sa 2018.

 “Ngayong magpa-Pasko na po, napagkasunduan ng bicam na muling taasan ang halaga ng 13th month pay at iba pang bonuses na hindi na kakaltasan pa ng buwis. Ang bonus sa bonus na ito ay maagang Pamasko para sa ating mga ordinaryong manggagawa,” pahayag ni Angara, chairman ng Senate ways and means committee.

Nagkasundo rin ang mga miyembro ng bicam na ilibre sa buwis ang P250,000 annual taxable income ng lahat ng mga individual income taxpayers.

comments powered by Disqus

mofuse.com