2 wanted na kelot kalaboso

By Lordeth B. Bonilla

MANILA, Philippines -  Dalawang kalalakihan kabilang ang isang “number 8 most wan-ted” ang nasakote ng pu­lisya sa magkahiwalay na anti-criminality operation sa Taguig at Las Piñas City kamaka-lawa ng gabi.

Nakakulong ngayon sa Taguig City Police ang suspek na si Ana-cito Muralla na may mga “aliases na Butcho at Joker”, 36, nakatira sa #22  Banana St., Purok 3, Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City.

Matapos makumpis­ka dito ang isang kalibre .38 baril at mga bala sa isang Oplan Sita na isinagawa ng mga pulis alas-7:00 kamakalawa ng gabi sa Mulawin St., Purok 5 ng nabanggit   na barangay.

Samantala, nadakip naman ng Las Piñas City Police ang “number 8 most wanted” na si Ryan Michael Cuachon, nasa hustong gulang sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Las Piñas City Regional Trial Court (RTC).

Si Cuachon ay nahaharap sa kasong pagna-nakaw na nakakulong  na ngayon sa Las Piñas City Jail.  

 

comments powered by Disqus

mofuse.com