Articles of impeachment naisumite na

By Gemma Garcia

MANILA, Philippines — Isinumite na ni Kaba­yan Rep. Harry Roque ang panukalang Articles of Impeachment sa House Committee on Justice laban kay Comelec Chairman Andres Bautista.

Nakasaad dito ang apat na article na nagdedetalye ng mga umano’y katiwalian at mga paglabag ni Bautista na basehan ng grounds for impeachment dito na graft and corruption, betrayal of public trust at culpable violation of the constitution.

Sa unang article, nakasaad ang pagkakaroon ni Bautista ng iba’t ibang bank accounts na nakapangalan sa kanya at mga kaanak niya.

Marami rin umanong real property at kumpanya si Bautista ilan dito ay hindi deklarado sa kanyang SALN.

Habang ang article 2 naman ay nakatutok sa pagtanggap umano ni Bautista ng komisyon sa Divina and Uy Law Office dahil sa pagre-refer ng mga kliyente dito mula noong PCGG chairman pa siya hanggang sa mapunta ng Comelec.

Sa article 3, inaakusahan si Bautista ng hindi pagdedeklara ng totoong asset sa SALN.

Samantala ang article 4 ay tungkol sa isyu ng Comeleak na naglagay umano sa kompromiso ng integridad ng halalan sa bansa.

comments powered by Disqus

mofuse.com