Hirit ni Napoles ibinasura ng SC

By Doris Franche- Borja

MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng Sandiganbayan na ibasura ang application for bail ni pork barrel scam mastermind Janet Lim Napoles.

Tinawag ng SC ang argumento na “unmeritorious” dahil sapat naman ang ebidensiya upang ibasura ang motion for reconsideration na inihain ni Napoles.

Sa 6-pahinang resolusyon ng SC, ibinasura nito ang “motion for reconsideration” ni Napoles kaugnay sa 2016 ruling sa plunder case. 

 Una nito, noong Nob. 7, 2017, kinatigan din ng Ka­taas-taasang Hukuman ang naunang resolusyon ng Sandiganbayan na nagbabasura sa bid for provisional liberty ng negosyante dahil walang grave abuse of discretion amounting to lack or excess of jurisdiction sa panig ng anti-graft court.

Samantala, sa kasalukuyan nasa ilalim ng “provisional” Witness Protection Program ng Department of Justice si Napoles.

comments powered by Disqus

mofuse.com