BBL isusumite ngayon kay Digong

By Rudy Andal

image

Isusumite ngayong hapon kay Pangulong Rodrigo Duterte ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). File

MANILA, Philippines - Isusumite ngayong hapon kay Pangulong Duterte ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ang BTC sa pamumuno ng chairman nitong si Ghazali Jaafar ang magsusumite kay Pangulong Duterte ng final draft ng BBL sa isang simpleng sere­monya ngayong hapon sa Malacañang.

Sasaksihan din ni MILF chairman Ebrahim Murad ang makasaysayang turnover ng panukalang BBL kay Duterte.

Inaasahan naman ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na matapos tanggapin ang BBL mula sa BTC ay isusumite na din nito ang panukala sa Kongreso upang maging ganap na batas.

comments powered by Disqus

mofuse.com