41 Pinoy nagipit sa Indonesia, nakauwi na

By Ellen Fernando

MANILA, Philippines - May 41 mangingisdang Pinoy na nagipit sa Indonesia ang nakauwi na sa Pilipinas kahapon.

Ayon sa ulat, naiuwi ng Philippine Navy (PN) ang 41 mangingisda na dumating sa Sasa Wharf sa Davao City lulan ng BRP Ramon Alcaraz nitong Linggo ng umaga.

Bago dumating sa bansa, umabot ng 10 araw ang PN sa pakikipag-koordinasyon sa mga border patrol sa kanilang counterparts sa Indonesia upang malayang makapaglayag sa karagatang sakop ng nasabing bansa.

Ipinasa na ng PN sa Davao City Social Welfare Office ang mga Pinoy fishers para sa tulong medikal at iba pang proseso.

Inaasahang mabibigyan din ang mga mangi­ngisda ng cash assistance mula sa pamahalaan.

Una nang inihayag ng Department of Foreign Affairs na may mahigit 32 mangingisdang Pinoy na nasabat sa karagatang sakop ng Indonesia ang na-repatriate mula sa nasabing bansa nitong Abril na sinundan pa ng may 22 mangingisda nitong Mayo matapos na ma-hold sa Immigration Detention House ng Manado.

comments powered by Disqus

mofuse.com